block dinner namin kanina kasama sina joboy, cong, en and vevs. dapat masaya ang buhay ko, dahil makikita ko nga SIYA, pero bakit ganun? parang ang hirap?
aminado naman akong hindi seryosohang crush toh. hindi siya yung tipong seseryosohin ko at iiyakan ko pa eh. pero bakit ganito? hindi ko maintindihan nararamdaman ko? nung nakita ko siyang paparating, bigla na lang akong pinagpawisan at ninerbyos. ang bilis ko na magsalita at parang nagmamadali. hindi ako makakain ng maayos, ni paghinga ng malumanay ay hindi ko magawa. bakit ba ganito?
hindi ko rin syempre maalis sa aking sarili na magselos kahit konti. ang hirap naman kasi eh, parang lahat sila, nakakausap nila siya ng matino. may pa-akbay akbay pang kasama! samatalang ako, ni matingnan cya ng diretso ay hindi ko magawa. nung nag "bye leo" cya sakin, hindi pa rin ako nakatingin eh! ang hirap talaga ng ganito. sadya ba talagang itinakda ng tadhana na maging sablay ako sa mga ganung bagay?
hay nako, bakit ko pa rin ba iniisip ang ganitong mga bagay? baka hindi lang ako makatulog nito eh. yan tuloy, imbes na gawin ang essay ko para bukas, ito ang inaatupag ko. ang hirap, todo.
sige, aaminin ko na rin. dahil dito, nagstugz ako ulit. jusko naman, bakit ba tuwing nagkakaganito ako, stugz kagad ang nasa isip ko!? naiinis na rin ako sa sarili ko eh. pero ewan ko ba, parang hindi ko mapigilan na kapag nandyan ang stugz at nasstress ako, magsstugz ako. naisip ko na nga rin na baka magiba tingin ng blockmates ko sa akin eh. pero ano bang magagawa ko? ito ako. hindi na ako pwedeng magbago para sa ibang tao. kung gusto kong magbago, dapat para lang sa sarili ko.
kaya para sa mga taong nainis o naweirdohan sa akin ngayong araw na ito, sorry. ganito lang talaga ako pag hindi mapalagay. sana lang maintindihan ako ng mga tao dahil maski ako, hindi ko lubusang maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. basta alam ko, pagod na ako at gusto ko nang matulog.